Thursday, November 26, 2026

Palasyo, dumipensa sa patuloy na pamamahagi ng ayuda sa kabila ng lumalaking utang ng bansa

Dinepensahan ng Malacañang ang patuloy na pamimigay ng ayuda ng pamahalaan sa kabila ng mga puna kaugnay ng lumalaking utang ng bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na kailangan ang tulong pinansyal at iba pang ayuda, lalo na ng mga pamilyang apektado ng kalamidad at sakuna.

Hindi aniya sapat ang food packs na ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD dahil may iba pang pangangailangan ang mga biktima.

Kabilang dito ang mga magsasakang apektado ng El Niño na nangangailangan din ng tulong.

Sinabi ni Castro na kaya humihingi ng pondo para sa ayuda ang administrasyon ay upang matiyak na agad na matutulungan ang mga mamamayang nangangailangan, alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tugon naman ng opisyal sa mga puna tungkol sa malaking utang ng bansa, hindi lamang dapat isisi kay Pangulong Marcos ang lahat dahil bahagi nito ay namana pa sa mga nakaraang administrasyon.

Facebook Comments