Sunud-sunod na pagkamatay ng mga alagang baboy sa bansa, ipapasuri

Humingi na ng tulong ang Department of Agriculture (DA) sa foreign laboratories para matukoy ang sunud-sunod na kaso ng pagkamatay ng mga alagaing baboy.

Ito ay sa pangambang pumasok na sa bansa ang African swine fever (ASF) na posibleng makaapekto sa 260 billion pesos pork industry.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar – inaasahan nilang lalabas ang resulta ng confirmatory laboratory test sa loob ng dalawang linggo hanggang tatlong buwan.


Kasabay nito, tumanggi naman ang kalihim na tukuyin kung saan mga lugar sa bansa naitala ang mga namatay na baboy.

Aniya, ipinag-utos na niya ang pagkatay sa ibang baboy at pagbaon ng mga ito sa lupa.

Pagtitiyak ni Dar – kontrolado nila ang sitwasyon at sapat ang supply ng karneng baboy sa bansa.

Facebook Comments