Manila, Philippines – Nagkasundo ang mga mambabatas ng Supermajority na aprubahan bago magsine die adjournment sa May 31 hanggang sa huling pagbasa ang Comprehensive Tax Reform Package.
Ayon kay House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, sa Lunes ay pinagsusumite nila ng mga amendments ang mga kongresista kaugnay sa CTRP at simula na rin ng sponsorship ng panukala.
Sa susunod na Miyerkules naman inaasahang maaprubahan ang panukala sa ikalawang pagbasa.
Kasama sa mga tinalakay sa caucus na pinasusumite para sa pagamyenda ang pagbaba ng buwis sa sweetened beverages at ang VAT para sa cooperatives.
Pero, nanindigan naman ang Supermajority na panatilihin ang excise tax sa fuel kapalit naman nito ang pagbibigay ng social benefit card.
Paliwanag naman ni House Committee on Ways and Means Chairman Dakila Carlo Cua, bukas para sa lahat ang social benefit card.
Pero ang benepisyo sa card ay depende naman sa personal circumstance at needs ng isang indibidwal.
Sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda, isa sa mga may-akda ng CTRP na makakapag-adjust naman ang mga Pilipino sa excise tax na ipapataw sa langis dahil sa ibibigay na benefit card sa publiko.
DZXL558