SUPLAY NG BIGAS | NFA Administrator Jason Aquino, pinatatahimik ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pinatatahimik muna ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Food Authority Administrator Jason Aquino sa pagsasalita tungkol sa suplay ng bigas sa bansa.

Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa kanilang napag-usapan bahala na ang NFA Council na magbigay ng pahayag hinggil sa lagay ng suplay ng NFA rice.

Mali kasi aniya ang pahayag ni Aquino na tatagal na lamang ng dalawang araw ang suplay ng bigas sa merkado.


Malinaw naman kasi aniya na walang kakapusan ng suplay ng nfa rice sa merkado.

Kaugnay nito, minaliit ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang pagtutol ng grupong Anakpawis sa planong magtanim ng palay sa Papua New Guinea.

Ayon kasi sa Anakpawis, insulto sa mga magsasaka na magtanim ng palay sa ibang bansa gayung mas malawak naman ang lupa sa Pilipinas.

Pero sabi ni Piñol, sa halip na mag-ingay, magbigay na lang ng alternatibong hakbang ang Anakpawis kung paano mapaghahandaan ang katatagan ng suplay ng pagkain sa bansa.

Facebook Comments