LINGAYEN PANGASINAN – Aminado ang Provincial Health Office (PHO) na limitado ang suplay ng dugo sa lalawigan ng Pangasinan ngayon dahil umano sa umiiral na community quarantine. Ayon kay Dr Anna Marie de Guzman, ang Pho Chief na kaunti sa ngayon ang blood banks sa Red Cross at maging sa Region 1 Medical Center o R1MC. Bagamat mayroon umanong abiso mula sa Department of Health (DOH) na pinapayagagan ang pagsasagawa ng blood donation ay nananatiling hamon sa opisyal ang pag-organisa ng bloodletting activity dahil sa ilang restrictions tulad na lamang ng physical distancing.
Dagdag pa ni Dr. De Guzman na kung dati umano ay kaya nilang magsagawa ng bloodletting activity ng tatlong beses sa isang linggo, sa ngayon umano ay hirap silang humagilap ng mga donors dahil sa quarantine at ang iba ay limitado ang transportasyon. Sa ngayon tumitingin sila ng alternatibong paraan upang mapunan ang kakulangan sa supply ng dugo.