Suplay ng kuryente sa mga lalawigan ng Samar, Bohol at Leyte – hindi pa rin naibabalik

Manila, Philippines – Hindi pa rin naibabalik ang suplay ng kuryente sa mga lalawigan ng Samar, Bohol at Leyte at bahagi ng Northern Leyte.

Sa interview ng RMN kay National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza –hindi pa sila makapagbigay ng deadline kung kailan maibabalik sa normal sa mga lugar na apektado ng blackout matapos ang magnitude 6.5 na lindol sa Leyte.

Ayon kay Alabanza – patuloy ang kanilang aerial at ground inspections.


Bagamat apektado ng power interruption, agad din naman naibalik kagabi ang supply ng kuryente sa Cebu, Negros at Panay.

Samantala, dahil sa lindol kinansela na ng Cebu Pacific ang lahat ng kanilang mga biyahe patungong Cebu at Ormoc City hanggang sa July 9, araw ng linggo.

Ayon sa abiso ng Cebu Pacific, ang mga pasahero na apektado ng kanselasyon ng mga biyahe ay mayroong 30-araw para ipa-rebook ang kanilang flights.

Pinayuhan ng Cebu Pacific ang mga pasaherong apektado na tumawag sa kanilang hotlines ‎‎702-0888 o ‎230-8888.

Facebook Comments