Suplay ng kuryente sa Zambales at Pampanga, balik na sa normal matapos manalasa si bagyong Pepito ayon sa NEA

Balik na sa normal ang power distribution services sa mga lugar sa Zambales at Pampanga na hinagupit ni Bagyong Pepito.

Base sa monitoring ng National Electrification Administration Disaster Risk Reduction and Management Department, normal na ang operasyon ng Zambales I Electric Cooperative, Inc. (ZAMECO I), Zambales II Electric Cooperative, Inc. (ZAMECO II), at Pampanga III Electric Cooperative, Inc. (PELCO III).

99.41% naman nang naibalik ang electricity service ng Isabela I Electric Cooperative, Inc. (ISELCO I) sa may 229,829 na kasambahayan na nagkaroon ng power outages.


Kinabibilangan ito ng Cauayan at Santiago, ang mga munisipalidad ng Alicia, Angadanan, Cabatuan, Cordon, Jones, Luna, Ramon, Reina Mercedes, San Agustin, San Guillermo, San Isidro, at San Mateo.

Nagpapatuloy naman ang power restoration efforts sa Echague, Isabela para sa may 1,374 households na wala pa ring suplay ng kuryente.

Facebook Comments