Labis labis ang suplay ng mga gulay na inaangkat ngayon sa merkado sa lalawigan ng Pangasinan dahilan ang patuloy na pagharvest o pag-ani ng mga magsasaka, ayon sa Department of Agriculture.
Nakikitaan ang araw araw na pagbaba ng mga presyo ng gulay mula dalawa hanggang limang piso.
Ilan sa mga gulay na may pinakamababang presyo ay ang kamatis na umaabot sa sampung piso ang kada kilo nito. Ayon sa ilang tindera, panahon daw kasi ng kamatis ngayon kung kaya’t marami ang suplay nito na naangkat. Nasa trenta pesos naman ang kada kilo ng talong, ang carrots, nasa bente pesos na rin ang kada kilo.
Iba pang mga gulay partikular sa mga pamilihan sa Dagupan City ang nakitaan ng pagbaba sa mga presyo.
Bagamat mababa ang presyo, may ilan pa ring mga mamimili umano ang humihingi ng bawas kaya’t minsan ay napipilitan ang mga vegetable vendor na makipag bargain sa presyuhan ng mga gulay. |ifmnews
Facebook Comments