ILANG MGA ASPETO TUNGO SA PAG-UNLAD NG MGA BAYAN SA IKALAWANG DISTRITO NG PANGASINAN, TINALAKAY

Tinalakay ng tanggapan ng kongresista sa ikalawang distrito ng Pangasinan ang ilan sa mga hanay na mithiing mapaunlad pa para sa mga benepisyo ng mga bayan ng nasabing distrito.
Binigyang-diin ang agricultural development o ang layuning mapaunlad ang sektor ng agrikultura. Pangunahing sektor ang agrikultura na pinagkakakitaan ng mga tao at bahagi ng ekonomiya ng pampamahalaan na nagpapapasok ng malaking kita sa kaban at yaman ng isang lugar.
Ilang mga hakbang ang pinag-usapan na makatutulong sa pagpapalago pa ng hanay ng agrikultura.

Kabilang din sa mga tinalakay na nais pang paunlarin ay ang hanay ng edukasyon, health system, employment economy, at maging ang good governance na mapapakinabangan ng residente sa mga bayan ng Aguilar, Basista, Binmaley, Bugallon, Labrador, Lingayen, Mangatarem, Urbiztondo.
Naging bahagi rin ang pagtalakay ng planong pagpapatayo ng nuclear power naglalayong nakapagbigay ng mas mura at maaasahang kuryente para sa lahat. |ifmnews
Facebook Comments