Suplay ng Sibuyas sa Bansa, Pumalo ng 94%- SINAG

Cauayan City, Isabela- Ipinagmalaki ng ‘Samahan ng Industriya ng Agrikultura’ (SINAG) ang mataas na suplay ng sibuyas sa bansa kumpara sa bawang na bumagsak ng walong porsyento (8%).

Ayon kay Ginoong Rosendo So, Pinuno ng SINAG, pumalo ng 94% ang suplay ng sibuyas na isa sa mga pangunahing sangkap sa pagluluto.

Giit pa ni So, wala dapat ipangamba ang publiko sa suplay nito dahil sagana ang bansa sa pagkukunan ng sibuyas kumpara sa bawang na kinakailangan pang angkatin mula sa ibang bansa.


Paliwanag pa nito na mas masarap ang local production ng sibuyas kumpara sa imported ‘yun ngalang dahil mas maliliit ang mga ito kung ikukumpara sa pag-import ng bawang.

Hiniling naman nito sa gobyerno sa ilalim ng Department of Agriculture na hikayatin ang mga magsasaka na magtanim ng bawang gaya ng malaking taniman ng sibuyas sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Facebook Comments