Halos 100% sapat ang suplay ng sibuyas sa bansa.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Department of Agriculture (DA) Sec. William Dar na madami ang produksyon ng sibuyas ng bansa sa ngayon na nangangahulugang naging matagumpay ang programa ng ahensya sa onion production.
Kasunod nito, aminado si Dar na kulang sila ng pondo para makapagbigay ng cold storages o imbakan ng sibuyas sa mga magsasaka.
Kapag wla kasing imbakan ng sibuyas ay madali itong masira o mabulok daan upang malugi ang mga onion farmers.
Ayon pa kay Dar, maganda ang ani ng sibuyas sa Mindoro, Nueva Ecija, Pangasinan at Nueva Vizcaya na pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng sibuyas sa bansa.
Facebook Comments