Mga tagasuporta ni BBM, makukumbinse pa raw na mapunta kay VP Leni – Trillanes

810

Makukumbinse pa raw ang mga tagasuporta ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na lumipat kay Vice President Leni Robredo dahil naramdaman nila ang pagiging tapat at totoo ng mga sinasabi nito.

Ito ang obserbasyon ni dating Senador Antonio Trillanes nang samahan niya si VP Robredo sa pulong kasama ang mga manggagawa sa isang pagawaan ng damit.

Sinabi ni Trillanes, 80 porsiyento ng mga manggagawa sa nasabing factory ay Marcos supporters ngunit marami sa kanila ang nagsilipat kay Robredo matapos niyang ilatag ang mga plano at plataporma para sa mga manggagawa at sa bansa.


Inihayag umano ni Robredo na magkakaroon ng maraming trabaho at mamumuhunan sa bansa kung may tiwala ang mga negosyante sa gobyerno.

Sa panahon ng pandemya, nakipagtuwang si Robredo sa iba’t ibang kompanya na nag-alok ng 29,000 trabaho sa mga Pilipino na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

Facebook Comments