Suporta ng AFP sa anomang desisyon ng Pangulo sa martial law, tiniyak

Manila, Philippines – Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Eduardo Año na hindi susuway ang AFP sa maging desisyon ni Pangulong Duterte kaugnay sa Martial Law sa buong Mindanao.

Naibigay na kasi kay Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Department of National Defense kung palalawigin o hindi na ang batas militar.

Ayon kay Ano sa interview dito sa Malacañang kanina, anomang magiging desisyon ni Pangulong Duterte sa Martial law ay susuportahan ng sandatahang lakas.


Ayaw namang sabihin ni Ano kanilang rekomendasyon dahil kailangan pang tingnan ni Pangulong Duterte ang lahat ng aspeto ng usapin kasama na ang political aspect ng kanyang magiging desisyon.

Matatandaan na sinabi ng Malacanang na pinagaaralan na ng Pangulo ang rekomendasyon na ibinigay ng DND.

Facebook Comments