SUPORTA NG SAN CARLOS CITY GOVERNMENT SA PULISYA, KINILALA NG NAPOLCOM

‎‎Kinilala ng National Police Commission o NAPOLCOM ang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng San Carlos sa lokal na kapulisan kasunod ng positibong assessment nito sa peace and order situation ng lungsod.

‎Sa isinagawang pagsusuri, naging very favorable ang resulta ng assessment sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa peace and order at public safety sa San Carlos City.

‎Partikular na pinuri ng NAPOLCOM ang patuloy na pakikipagtulungan at suporta ni Mayor Julier Resuello sa San Carlos City Police Station upang maisagawa ng mga pulis ang kanilang mga tungkulin at mapanatili ang seguridad sa komunidad.

‎Patuloy naman ang monitoring ng Pamahalaang Lungsod sa peace and order situation, kasabay ng pakikipagtulungan sa Philippine National Police at iba pang concerned agencies para sa pagpapanatili ng ligtas, maayos at mapayapang lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments