15 CHILD DEVELOPMENT WORKERS, DUMALO SA ASSESSMENT NG CHILD DEVELOPMENT CENTERS SA ALAMINOS CITY

‎Isinagawa sa National Child Development Center sa Alaminos City ang Child Development Centers Assessment for Recognition – Exit Conference upang masuri ang pagsunod ng mga child development center sa mga itinakdang pamantayan.

‎Dumalo sa aktibidad ang 15 Child Development Workers o CDWs at mga Punong Barangay ng lungsod.

‎Pinangunahan ang aktibidad ng City Social Welfare and Development Office katuwang ang Lokal na Pamahalaan at Early Childhood Care and Development Council, kasama ang Department of the Interior and Local Government o DILG bilang Co-Chairperson.

‎Layunin ng assessment na matiyak ang pagsunod sa mga pamantayan at higit pang mapabuti ang kalidad ng serbisyo at pangangalaga para sa mga batang mag-aaral sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments