Nakatanggap ng masustansyang pananghalian ang mga mag-aaral ng Doña Victoria Zarate Elementary School sa ilalim ng programang “Goodbye Gutom,” na naglalayong makatulong sa kalusugan at nutrisyon ng mga bata.
Tampok sa ipinamahaging pagkain ang overload chicken at sayote arroz caldo na inihanda upang matiyak na may sapat na sustansya at enerhiya ang mga mag-aaral, lalo na ngayong panahon ng kanilang pagsusulit.
Pinangunahan ang aktibidad kasama si Kapitan Julie Perez, katuwang ang mga guro, magulang at mga mag-aaral ng paaralan. Nagpaabot din ng pasasalamat ang mga tagapagpatupad ng programa kay Sen. Kiko Pangilinan at isang kilalang brand sa kanilang ambag na manok para sa feeding program.
Inihanda naman ang pagkain ng City Nutrition Office na patuloy na nakikipagtulungan sa programa habang iniikot ang Goodbye Gutom sa iba’t ibang paaralan upang itaguyod ang wastong nutrisyon at kalusugan ng mga mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










