Suporta ni Russian President Putin sa Syrian President, kinondena ni U.S. president Donald Trump

Tahasang pinuna ni US President Donald Trump ang umano’y ipinapakitang suporta ni Russian President Vladimir Putin kay Syrian President Bashar Al-Assad na tinawag niyang isang tunay na “masamang tao.”

Kaugnay ito ng nangyaring chemical attack sa Syria na isinisisi sa mismong gobyerno nila.

Sa isang interview, diretsahang sinabi ni Trump na “masamang tao” si Al-Assad na sinusuportahan naman ni Putin.


Aniya, hindi magdadalawang-isip ang Estados Unidos na muling umatake sa Syria kung magpapatuloy ang chemical atrocity sa mga mamamayan nito.

Samantala, sa Miyerkules pagbobotohan ng UN Security Council ang draft resolution na nag-uutos na kailangang makipagtulungan ng Syrian government sa imbestigasyon sa sinasabing chemical attack.

 

Facebook Comments