Malacañang, muling tiniyak ang agarang pagbibigay ng tulong sa pamilya ng mga nasawing pulis at sundalo sa Bohol encounter

39

Manila, Philippines – Muling tiniyak ng Malacañang ang agarang pagbibigay ng tulong sa lahat ng pamilya ng mga nasawing pulis at sundalo matapos naganap na engkwentro sa Bohol.

Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na bayaning maituturing ang mga pulis at sundalong napatay matapos makipagsagupa sa Abu Sayyaf Group.

Aniya, saludo ang Palasyo sa kabayanihan na ipinamalas ng mga ito.

Sa nasabing engkwetro, anim na miyembro ng Abu Sayyaf ang nasawi habang isang pulis at tatlong sundalo naman sa panig ng gobyerno.

Facebook Comments