Manila, Philippines – Umani ng suporta mula sa mga Senador ang mungkahi na manguna sa pagsailalim sa drug test ang mga opisyal ng pamanalaan lalo na ang mga inihalal ng taongbayan.
Diin ni Senate President Tito Sotto III, matagal na nilang isinusulong ni Senator Gringo Honasan ang mandatory drug test sa lahat ng mga kumakandidato tuwing eleksyon pero binara ng Supreme Court at idineklarang unconstitutional.
Ayon kay senator sotto, may mga probisyon sa comprehensive dangerous drugs act na maaring gamitin para mahimok ang mga public officials na magpadrug test
Buo din ang suporta dito ni Senator Francis Chiz Escudero.
Giit naman ni Sen Sherwin Gatchalian, dapat mula sa Pangulo hanggang sa mga kagawad o konsehal ay magpa drug test bago manungkulan at kada taon na ang mga ito ay nasa puwesto.
Katwiran naman ni Senator Joel Villanueva, public office is a public trust kaya dapat ay mas mabigat din ang parusa laban sa mga opisyal ng gobyerno na mapapatunayang sangkot o gumagamit ng droga.
Tahasan naman sinabi ni Senator Antonio Trillanes IV na dapat unahing ipa-drug test si Pangulong Rodrigo Duterte dahil para aniya itong sabog sa droga kung magsalita at mag-isip.