Pamamaril sa Isang Ahente sa Santiago City, Mayroon ng Gabay ang Kapulisan!

Santiago City, Isabela- Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Santiago City Police Station 2 sa naganap na pamamaril kamakailan sa kanilang nasasakupan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Reynaldo Maggay, ang hepe ng Santiago City Police Station2 aniya, mayroon na umano silang tinitignang persons of interest sa naganap na pamamaslang sa isang Sales Agent sa Brgy. Rosario, Santiago City.

Matatandaan na nitong ika-bente tres ng Hunyo ay tinambangan sa isang kanto ng isang lalaki ang biktima na si Jayson Tinio, nasa tamang edad, isang sales agent at residente ng Brgy. Mabini, Santiago City lulan ang kanyang sasakyan at dito pinagbabaril ng suspek ang biktima na agad ring tumakas gamit ang kanyang motorsiklo.


Hinihiling rin ni Police Chief Inspector Maggay ang kooperasyon ng mga nakakita sa naturang pamamaslang na makipagtulungan sa kanilang hanay upang maresolba agad ang naturang insidente.

Samantala, patuloy pa rin umano ang kanilang isinasagawang kampanya kontra iligal na droga maging sa kanilang isinasagawang Oplan Tambay sa mga kanto at lansangan at natutuwa naman ang nasabing hepe dahil wala pa umano silang nahuhuli na lumalabag sa kanilang isinasagawang Oplan Tambay.

Facebook Comments