Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na maaaring katigan at sundin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na palawigin pa ang umiiral na batas militar sa buong Mindanao sa susunod na taon.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, dahil sa suporta ng mga taga Mindanao sa martial law ay maaari pa itong palawigin ng Pangulo.
Paliwanag ni Panelo, pangunahin sa mga ikinukunsidera ni Pangulong Duterte ay ang kaligtasan ng mamamayan.
Matatandaan na tatagal ang martial law hanggang sa December 31 at maaari lamang itong ipagpatuloy kung kakatigan ng Kongreso ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.