Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang supply ng Noche Buena items at mga pangunahing bilihin hanggang ikalawang quarter ng susunod na taon.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, wala ring pagtaas sa presyo ng Noche Buena products at ang iiral ay ang 2019 na presyo pa rin.
Pinayuhan naman ng kagawaran ang publiko na sa mga grocery stores at supermarkets mamili dahil umiiral dito ang suggested retail price (SRP).
Hinikayat naman ni Castelo ang publiko na isumbong agad sa kanilang consumer hotline na 1384 ang mga negosyante na nagsasamantala sa presyo ng mga pangunahing bilihin para maisyuhan agad nila ng letter of inquiry.
Kapag nabigo makapagpaliwanag ang mga negosyante at hindi ibinalik sa dating presyo ang mga pangunahing bilihin, saka nila ito kakasuhan na may katumbas na multa at parusang pagkakakulong.