Manila, Philippines – Nagresulta agad sa 170 na mga sumbong ang inilunsad ng National Food authority (NFA) na hotline “NFA kontra abuso”
Ayon kay Senior Enforcement Officer Edwin Mejos of NFA-Security Services and Investigation Department, karamihan sa mga sumbong ay napaiparating gamit ang hotline number (0927-871-5921) kung saan maaring i-text ng publiko ang kanilang mga sumbong.
Kabilang sa mga complaints ay kawalan ng suplay ng NFA rice sa mga accredited outlets na pinagbagsakan ng mga inangkat na bigas.
May mga kaso rin na pinapalitan ang imported rice at ibenebenta sa mas mataas na presyo.
Maliban sa pag activate sa hotline, pinaigting na rin ng food agency ang market monitoring nito sa pamamagitan ng pag-deploy ng mga by deploying team para hulihin ang mga matiwaling negosyante ng pagkaing butil.
Muling hinikayat ni Mejos ang kooperasyon at pagiging mapagbantay ng publiko para matimbog ang pang aabuso ng ilang negosyante ng bigas.
Mula April-May, natiklo ng NFA ang may 1,667 na rice traders na sangkot sa rice diversion, rebagging, overpricing, adulteration at iba pang illegal activities.