Supply ng bigas ng NFA sa Rehiyon dos, ‘Di dapat ikabahala!

*Cauayan City, Isabela- *Wala umanong dapat ipag-alala ang ating rehiyon hinggil sa mainit na usapin dahil sa kakulangan ng supply ng bigas ng National Food Authority (NFA) dito sa bansa.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni NFA Regional Director Rocky Valdez na maswerte umano tayo at walang dapat ikabahala sa produksyon ng ating bigas dahil isa umano sa mga supplyer ng bigas sa bansa ay ang ating rehiyon.

Aniya, nasa tatlo hanggang limang porsiyento lamang ang partisipasyon ng NFA sa mga palengke o pamilihan sa pagbebenta ng NFA na bigas dito sa rehiyon dos.


Hindi umano lahat ng mga retailers ay mayroong presyo ng NFA dahil dipende lamang ang mga ito sa mga accredited ng NFA gaya ng mga nasa palengke na tumutulong sa pagbebenta ng NFA rice.

Dagdag pa ni NFA Regional Director Valdez, nabibili sa halagang 27 hanggang 32 pesos ang isang kilo ng NFA rice dahil dipende umano sa klase nito, 40 hanggang 44 pesos naman ang kada kilo ng milled rice, nasa 45 hanggang 50 pesos naman ang premium rice at nasa 50 hanggang 55 pesos naman ang spesyal na klase ng bigas.

Facebook Comments