Manila, Philippines – Target ng Department ng Enegry (DOE) na mag-angkat ng mas murang diesel sa Hulyo.
Ayon kay Energy Assistant Secretary Leonido Pulido, ang PNOC Exploration Corporation (PNOC-EC) ang mamamahala sa pang-angkat ng diesel.
Gayunman, aminado si Pulido na wala pa silang kongretong plano kung paano maipapamahagi sa target beneficiaries ang mas murang diesel.
Pero isa aniya sa kanilang ikinokonsidera ang pagbebenta sa malalaking kumpaniya para ibenta nila sa mga gasolinahan sa buong bansa.
Tiniyak naman ni Pulido na maibebenta ito sa tamang presyo.
Inaasahang matatapos na ng DOE sa susunod na linggo ang plano para sa distribusyon ng mas murang diesel.
Facebook Comments