Benito Soliven- Dumadaan sa bacteriological test kada buwan ang isinusupply na tubig ng Benito Soliven Water District (BSWD) at laging pasado sa pagsusuri ng mga kinauukulan kayat walang dapat ipangamba ang mga mamamayan sa naturang bayan na nakikinabang na sa supply ng tubig.
Ayon kay Dr.Leonardo Mamuad Gen.Manager ng naturang tanggapan hinahanapan umano nila ng solusyon upang lalo pang luminaw ang supply ng tubig sa naturang bayan kayat walang dapat ipag aalala ang mga member consumer nito dahil ligtas na inumin umano ang kanilang isinusupply na tubig.
Idinagdag pa ni Dr.Mamuad na maaaring dahil sa paglilinis nila ng tangke ng tubig kayat kung minsan ay nakakaranas ng bahagyang paglabo ng tubig pero dapat ay wag mangamba ang mga ito.
Sinisikap din umano nila na madagdagan pa ang mga barangay na kanilang nasusuplyan ng tubig na kung saan ay limang barangay pa lamang ang kanilang naseserbisyuhan ng tubig sa kanilang bayan at ngayon taon na ito ay pipilitin nilang madagdagan pa ng limang barangay ang kanilang mabibigyan ng suppy ng tubig.
Matatandaan na ang nasabing bayan ay maituturing na isa sa pinaka mahirap parin dahil 4th class municipality na kung saan ay mayroon labing siyam na barangay.
Ngunit ipinagmamalaki ng mga opisyal ng nasabing tanggapan na maituturing parin nilang swerte dahil sa pagkakaroon ng ganitong proyekto ang gobyernong national.
tag: Luzon, RMN News, Dr Leonardo Mamuad, Benito Soliven,Isabela, DWKD, RMN Cauayan, iFM Cauayan, Benito Soliven Water District, BSWD