Bukas si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa posibleng pagsasagawa ng imbestigasyon ng UN Human Rights Council Hinggil sa umano’y “Unlawful Killings” sa bansa sa ilalim ng Administrasyong Duterte.
Ayon sa Punong Mahistrado, posibleng tama ang mga Human Rights Expert pero hindi niya maintindihan kung ano ang tinutukoy ng mga ito.
Nauunawan din daw ni Bersamin na hindi kailanman makukuntento ang mga Human Rights Advocate sa kondisyon ng karapatang pantao sa bansa dahil ito ang trabaho nila bilang mga watchdog ng gobyerno.
Una rito, labing isang Independent Human Rights Experts ang nanawagan ng International Investigation dahil sa anila’y nangyayaring patayan sa gitna ng war on drugs habang inakusahan din nila si Pangulong Rodrigo Duterte ng pananakot sa mga aktibista at Supreme Court Judges.