Manila, Philippines – Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio.
Ito’y makaraang igiit ni Carpio sa pamahalaan na muling magsampa ng diplomatic protest laban sa China kaugnay sa umano’y bantang pakikipagdigma ng Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Duterte sa isang pagpupulong.
Nais ni Carpio na igiit ng administrasyon ang naipanalong arbitral ruling hinggil sa pag-aangkin sa West Philippine sea.
Sa kaniyang talumpati sa ika-119 na anibersaryo ng Philippine Navy sa Davao City, inihalimbawa ng pangulo sa usapang lalaki ang isyu ng territorial dispute sa pagitan ng China at Pilipinas
Muling binigyang diin ng pangulo na iginiit na niya nuon ang arbitral ruling na nakuha ng Pilipinas laban sa China ngunit hindi ito nagkaroon ng magandang resulta.
DZXL558