Sampung sundalo – patay, walo sugatan sa ikinasang airstrike ng kapwa sundalo sa Marawi City!

Manila, Philippines – Sampung sundalo ang patay habang walo ang sugatan sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagdalo sa defense tactical and survival expo sa Mandaluyong City.

Ayon kay Lorenzana – nagsasagawa kahapon ng airstrike ang Armed Forces of the Philippines ng mismong mga kapwa sundalo ang tinamaan.


Sinabi ni Lorenzana na agad na ikinasa ang imbestigasyon na pangungunahan ni AFP Chief of Staff Eduardo Año upang alamin ang tunay na detalye ng naganap na trahedya.

Bunsod, kabuuang 142 na ang nasawi sa bakbakan 31 ang sundalo, 3 – pulis, 19 – sibilyan at 89 sa panig ng Maute.

DZXL558

Facebook Comments