Surface-to-surface ballistic missile, pinasinaya sa Iran

Iran – Pinasinayaan ng revolutionary guards ang surface-to-surface ballistic missile sa kabila ng panawagan ng western nations na ihinto ang kanilang missile program.

Ang ballistic missile na tinatawag na “Dezful” ay may range na 700 kilometers at may 450 kilograms na warhead.

Kaya nitong umabot ng hanggang sa 2,000 kilometro na kayang abutin ang U.S. at Israel military bases sa rehiyon.


Nanawagan naman ang U.S. sTAte department sa Iran na ihinto ito maging ang space launching nito dahil paglabag ito sa United Nations resolution.

Facebook Comments