SURIIN | DTI, tuloy sa pagsasagawa ng spot inspection sa mga Christmas lights

Manila, Philippines – Ngayong anim na araw na lamang at pasko na, patuloy parin ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagsasagawa ng spot inspection sa mga Christmas lights na ibinibenta sa merkado upang protektahan ang mga consumers ngayong holiday season.

Sinabi ni Rogelio Ragasa, trade and industry development specialist ng DTI ang kagawaran ay patuloy na ipinaaalam sa mga establishimento ang mga requirements sa pagbebenta ng Christmas lights upang matiyak na ang light chains ay dumaan sa government inspection at pasado sa standards of safety.

Hinikayat din ng opisyal ang publiko na maging mapagbantay, suriin kung mayroon ICC stickers at PS markings sa packaging at items at i-report sa pinakamalapit na tanggapan ng DTI kung maka-encounter ng establishmento na nagbebenta ng uncertified Christmas lights.


Facebook Comments