SURPRISE GIFT | Jinkee Pacquiao, niregulahuan ng boxing gloves si Ed Sheeran

56

Manila, Philippines – Tumanggap ng munting regalo mula sa asawa ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang British songwriter na si Ed Sheeran.

Isang pares ng boxing gloves ang personal na iniabot ni Jinkee sa singer matapos ang sold-out concert niya sa MOA Arena noong Sunday.

Ibinahagi pa ni Jinkee ang larawan nila ni Ed Sheeran habang hawak ang boxing gloves na may disenyo ng Philippine Flag.

Kasama ring nanood ni Jinkee ang dalawa niyang anak na sina Jimuel at Michael.

Bukod sa pamilya Pacquiao, present din sa concert sina Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, Julia Barreto, Robi Domingo, Gabbi Garcia, Carla Abellana, Tom Rodriguez, Inah De Belen, Jake Vargas, Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos at ang buong team Kramer.

Ikinatuwa naman ng Grammy-award winning singer ang passion ng mga Pinoy sa musika.

Taong 2015 nang una siyang mag-perform sa Pilipinas.

Facebook Comments