KALABOSO | Isang pulis, arestado matapos manghingi ng pera kapalit ng napulot nitong cellphone sa Mandaue City

Mandaue City – Arestado ang isang pulis matapos nanghingi ng pera para isauli ang mamahaling cellphone na naiwan ng biktima sa loob ng isang taxi sa Mandaue City, Cebu.

Kinilala ang pulis na si SPO2 Vicente Gila na naka-destino sa Consolacion Police Station.

Sa ulat, naiwan ng biktimang si John Vincent Rafols sa loob ng taxi ang kaniyang cellphone at nang kaniyang tawagan ay sinagot ito ni Gila na hindi nagpakilalang pulis at nanghingi ito P10,000 kapalit ng pagsasauli ng cellphone.


Agad naman humingi ng tulong sa pulisya ang biktima kaya ikinasa ang entrapment operation sa loob ng isang mall sa Mandaue City kung saan dito na dinakip si Gala makaraang tanggapin ang perang inabot sa kanya ni Rafols.

Facebook Comments