SURRENDER FEELER | Bagitong pulis na lider ng KFR group sa Laguna – nagpahayag na ng pagsuko

68

Laguna – Nagpadala na ng surrender feeler ang bagitong pulis na lider ng isang kidnap-for-ransom group na suspek sa pagdukot sa isang ginang sa Laguna noong Hulyo.

Ayon kay PNP Anti-kidnapping Group Director C/ Supt. Glenn Dumlao – nakikipag-ugnayan na sila kay Laguna Police Provincial Director Sr/ Supt. Kirby John B. Kraft para sa posibleng pagsuko ni PO1 Michael Cervo.

Nabatid na mga pulis din ang miyembro ng sindikato na kaklse ni Cervo sa training noong 2010.

Kabilang dito sina PO2 Jonathan Galang at PO1 Ronald Carandang na nananatiling at large.

Umalis sa bansa ang dalawang pulis noong June 28 papuntang Singapore pero na-monitor kamakailan na nasa Thailand.

Pinatay naman ng grupo ang kasamahan nilang si PO2 Gerald Bonifacio dahil sa onsehan sa pera.

Sabi pa ni Dumlao – bukod sa pagkakasangkot sa kidnap-for-ransom, ang grupo ni Cervo ay kilala ring mga ‘Ninja Cops’ na nagre-recycle ng mga nasasabat nilang shabu.

Facebook Comments