Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng internet.
Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 41% ng Filipino adults ay internet users.
Mataas ito ng isang porsyento kumpara sa 40% noong June 2018.
Mas umangat ito kumpara sa walong porsyento lamang na naitala noong 2006.
Mababa naman ito kumpara sa 42% noong Marso 2018.
Pinakamaraming gumagamit ng internet sa Metro Manila at iba pang urban areas.
Dumami rin ang gumagamit ng internet sa balance Luzon (47%) habang bumaba sa Visayas (28%) at Mindanao (27%).
55% ng mga respondents mula sa class ‘A’ ‘B’ at ‘C’ o upper at middle class ang nagsabing gumagamit ng internet habang 43% ang nasa class ‘D’ o mas tinatawag na ‘masa’.
Mga kababaihan ang karamihan sa gumagamit ng internet (42%) kumpara sa mga lalaki (40%).
Lumabas din sa poll na mas maraming batang Pilipino ang gumagamit ng internet.
18 hanggang 24 taong gulang – 81%
25 hanggang 34 taong gulang – 65%
35 hanggang 44 taong gulang – 44%
45 hanggang 54 taong gulang – 27%
55 taong gulang pataas – 12%
Ang survey ay isinagawa mula September 15 hanggang 23 sa 1,500 respondents.