Manila, Philippines – Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pilipinong kumpiyansang bubuti ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 49% ng mga Pinoy ang nagsasabing gaganda ang kanilang buhay.
Bumaba naman sa limang porsyento ng mga Pilipinong naniniwalang lalala pa ang kanilang buhay mula sa dating anim na porsyento.
Katumbas nito ang +44 ang net personal optimism nitong Hunyo.
Mataas ito kumpara sa +40 noong Marso.
Ibig sabihin, nananatiling ‘excellent’ ang rating.
Nasa 32% ang nagsabi na bumuti ang kanilang buhay sa nagdaang taon at 27% ang nagsabi na lumala lamang.
Bagaman at pasok ito sa kategoryang “high” mababa pa rin ito ng 15 puntos mula sa +20 excellent noong Marso ngayong taon.
Isinagawa ang survey mula June 27 hanggang 30 sa 1,200 respondents.