Survey ng Pulse Asia Hinggil sa Pederalismo, Masyadong Maaga Ayon sa Chairman ng CPLA!

*Cauayan City, Isabela- Iginiit ni ginoong Mailed Molina, ang *Chairman ng Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) at tagapagtaguyod ng Cordillera Autonomy na masyado umanong maaga ang isinagawang survey ng Pulse Asia sa mga Pinoy hinggil sa Pederalismo.

Ito ay matapos ipalabas ang resulta ng Pulse Asia na isinagawa noong June 15 hanggang June 21 ngayong taon, ay dalawa sa tatlong tao ang hindi pabor sa Pederalismo.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay CPLA Chairman Molina, bagamat pursigido ang samahang CPLA na maisulong ang Pederalismo dahil malaki umano ang kanilang paniniwala na magiging daan ito tungo sa pagbabago lalo na sa mga hindi magandang Sistema ng pamahalaan.


Inihalimbawa na lamang nito ang pahirapang pagkuha ng pondo sa National Government kung saan isa ito sa mga dapat na mapalitang Sistema dito sa bansa.

Masyado umanong maaga ang isinagawang survey at dapat malaman muna ng publiko ang laman ng Draft ng Pederalismo bago magsagawa ng survey sa mga Pinoy.

Naniniwala umano si ginoong Molina na marami sa mga Pinoy ang hindi alam ang ibig sabihin at laman ng Draft ng Konstitusyon tungo sa Pederalismo na isinumite kay Pangulong Duterte at aaralin narin ng senado at kongreso.

Inihayag rin ni ginoong Molina na huwag agad husgahan ang Pedaralismo bagkus ay dapat itong pag-aralang mabuti ng mga Pinoy kung ano ang ikabubuti at layunin nito dito sa bansa.

Facebook Comments