UPDATE: Magkapatid na Pinagbabaril ng Isang Tribung Tulgao, Napagkamalan Lamang Ayon sa NBI!

*Cauayan City, Isabela-* Kinumpirma ni National Bureau of Investigation Dir. on Regional Corcerns Gelacio Bonggat ng NBI Central Office, na napagkamalan lamang ng dalawang suspek na sina Lagasi Bocad at Junior Tayab ng tribung Tulgao ang pinagbabaril na magkapatid na sina Belac at Basingan Dallapas ng Tribung Lubo sa Tanudan, Kalinga.

Read: Suspek na Bumaril sa Magkapatid na Tribung Lubo, Napasuko ng NBI!

Sa panayam ng RMN Cauayan kay NBI Dir. Gelacio Bonggat ng NBI Central Office, nagkataon lamang umano na ang magkapatid ang naabutan at pinagbabaril ng dalawang suspek dahil napagkamalang sila umano ang nambugbog sa mga ito.


Masaya naman si NBI Director Bonggat dahil kusa umanong sumuko sa hanay ng NBI ang suspek sa tulong na rin ng kapulisan dahil matagal na rin umano itong pinaghahanap ng mga awtoridad at pinapasuko na rin ng tribung Lubo.

Malaking dagok umano ang nangyari sa Tribu at pamilya ng mga biktima subalit sana’y nakamit na umano ng mga ito ang kanilang hustisya dahil nasa kamay na ng mga awtoridad ang dalawang suspek.

Nagsasagawa na rin umano ng hakbang ang NBI, LGU Provincial, mga alagad ng batas at mga mutual tribes upang pagtulungan na maibalik ang kaayusan at kapayaan sa pagitan ng dalawang magkabilang tribu.

Samantala, isa sa mga tinutukan at binabantayan ng tanggapan ng NBI ay mga kaso ng human trafficking at sa kasong iligal na droga.

Facebook Comments