Manila, Philippines – Ikinatuwa ng palasyo ng Malacañang ang mataas na approval at trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa resulta ng 2nd quarter survey ng Pulse Asia.
Batay kasi sa resulta ng survey ay nakakuha si Pangulong Duterte ng 88% approval ratings at 87% trust ratings, mula ito sa 78% trust ratings at 80% approval ratings noong 1st quarter ng 2018.
Ginawa ang nasabing survey noong June 15 hanggang June 21 at mayroong 1800 respondents.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ikinatutuwa ni Pangulong Duterte ang resulta na ito pero hindi aniya nagtatrabaho ang Pangulo para makakuha lamang ng mataas na ratings.
Binigyang diin ni Roque na ginagampanan lamang ni Pangulong Duterte ang kanyang mandato at tinutupad ang kanyang mga pangako noong halalan.
Nagdodoble kayod aniya si Pangulong Duterte para labanan ang iligal na droga, krimenalidad at katiwalian upang mabigyang ng maginhawang buhay ang bawat Pilipino.