Survivor sa nag-viral na Marilaque ‘Superman’ stunt, tinanggalan ng LTO ng lisensya

Binawi na ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng survivor sa nag-‘Superman’ stunt sa Marilaque Highway.

Batay sa investigation report ni LTO-Calabarzon Regional Director Elmer Decena, napatunayang guilty si Rico Akmad Buyawan na hindi karapat-dapat na magpatakbo ng motorsiklo pagkatapos ng mapanganib na stunt nito sa Marilaque road noong nakaraang buwan.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, ibinase na ang desisyon sa mga nakalap na ebidensya matapos na mabigo si Buyawan na humarap sa pagdinig.


Babala ni Asec. Mendoza, magsilbing aral ito sa lahat ng mga motorista, lalo na ang mga motorcycle rider, na hindi tamang lugar ang mga pampublikong kalsada sa mga ganitong pagpapasikat dahil ilalagay lang sa alanganin ang buhay ng ibang tao.

Facebook Comments