
Bunsod nang walang tigil na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa partikular na sa Palawan dahil sa shear line.
Umaabot na sa 13,067 na pamilya o katumbas ng 44,058 na indibidwal ang apektado ng mga pagbaha mula sa 64 na mga barangay sa Palawan at Oriental Mindoro.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa mahigit 6,000 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa 49 na mga evacuation center sa nabanggit na mga lalawigan.
Bagamat nagkaroon ng power interruption naibalik na sa ngayon ang kuryente sa limang munisipalidad sa Palawan.
Samantala, dalawang kalsada at apat na tulay sa Puerto Princesa at Brookes Point sa Palawan ang hindi maaaring daanan pansamantala ng mga motorista.
Sa ngayon, puspusan ang pagsasagawa ng rescue at relief operations ng mga awtoridad sa mga apektadong residente kung saan tuloy-tuloy sa pamamahagi ng family food packs at iba pang pangangailangan ng mga bakwit.