Suspected big time rice smuggler Davidson Bangayan, hindi sumipot sa pagdinig ng DOJ

Manila, Philippines – No show sa pagdinig ng Dept of Justice ang itinuturong rice smuggler na si Davidson Bangayan alyas David Tan.

Maging ang testigo ng NBI sa nasabing kaso na si dating NFA administrator na si Lito Banayo ay hindi rin sumipot sa pagdinig.

Sa halip, ang kumatawan kay Banayo ay si Atty. Gilbert Lauengco, Vice Chairman ng Manila Economic and Cultural Office o MECO sa Taiwan.


Ayon kay Lauengco, naitalaga kasi si Banayo bilang permanent representative sa Taiwan o bilang MECO Chairman noong July 1 at hindi nito maaring iwanan ang kanyang puwesto.

Tiniyak naman ni Lauengco na dadalo si Banayo sa susunod na pagdinig sa October 30.

Humarap naman bilang kinatawan ng NBI si Atty. Erickson Mercado bilang public complainant sa kaso.

Binigyan ng DOJ ang respondents’ ng hanggang October 30 para magsumite ng kanilang counter affidavits.

Si Bangayan ay sinampahan ng NBI ng patong-patong na kaso dahil sa sinasabing pag-mo-monopolya nito ng suplay ng bigas sa bansa.

Facebook Comments