TNT coach Nash Racela, hindi na papatulan ang mga tweets ni Ginebra Governor Alfrancis Chua

64

PBA – Hindi na daw papatulan pa ni TNT Katropa head coach Nash Racela ang naging tweet ni Ginebra Governor Alfrancis Chua matapos ang maaksiyon nilang laban sa semifinals ng PBA Governors’ Cup.

Ito ang naging sagot ni coach Nash sa tila pang-iinsulto sa kaniya ni Chua na idinaan sa twitter kung saan may picture ito ng namayapang artistang si Palito at may caption ito na “reklamo pa more.”

Giit pa ni Racela, wala siyang oras para patulan ang ganitong klaseng komento pero parang na-offend daw nito ang pamilya ng nasawing artista.

Sa huli, sinabi pa niya na si PBA Commissioner Chito Narvasa na daw ang bahalang magtanong at kung ano ang gagawin nitong hakbang kay Chua.

Facebook Comments