Suspected Carnapper at BPAT Member arestado ng DOS PNP

Dalawang indibidwal ang naaresto ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station sa inilunsad na magkahiwalay na operasyon .
Unang naaresto si Jayshon Bornia alam AKA Tatang na may kinakaharap na kasong paglabag sa RA 10883 o particular ang pagkakasangkot sa Carnapping with Homecide na inisyu ni Judge Kasan Abdulracman ng RTC 12 Branch.
Naaresto si Tatang sa Tenorio Area noong March 5 ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad na pinangunahan ni DOS MPS COP Major Romel Del Vega at 1st at 2nd PMFC at 1404th RMFC.
Samantala arestado rin si Columbus Takpan Dalisdis isang BPAT member residente ng Brgy. Baka.
Sa report mula DOS PNP pasado alas otso ng gabi noong March 8 isang tawag ang kanilang natanggap mula sa isang concern citizen na nagsasabing may nagpaputok ng baril sa bahagi ng Baka Area.
Sa pagresponde ng kapulisan, nadatnan ng mga ito ang 52 anyos na BPAT na lango sa alak at natukoy na responsable sa pagpapaputok ng baril.
Nakumpiska mula sa kanya ang improvised shotgun.Kasalukuyang nasa costudy na ng PNP ang BPAT member.
Patuloy naman ang paghimok ni COP Dela Vega sa lahat ng mga residente ng DOS na samahan sila sa pagpapanatili ng katahimikan sa buong bayan.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments