Suspected COVID-19 Patient sa Ilocos Norte, Negatibo sa Test!

iFM Laoag – Balik Zero COVID-19 case nanaman ang Ilocos Norte matapos magnegatibo ang resulta ng test sa isang lola sa Laoag City.

Ito na ang pangatlong pasienteng naconfine sa hospital at nagnegatibo ang resulta matapos ipinagbigay alam ang resulta mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM). Ngunit ganun paman, nais parin ng pamahalaan na ipagpatuloy ang pagpapaigting sa quarantine dito.

Dahil dito, pinulong ni Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc ang iba’t-ibang Mayor sa lalawigan upang talakayin kung ipagpapatuloy nila ang Enhanced Community Quarantine o kaya’y gagawin na lamang itong General Quarantine.


Sa kasalukuyan, may natitira na lamang na 164 na Persons Under Monitoring (PUMs) at umabot naman sa 11,572 na katao ang nakatapos na ng quarantine. – Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments