Suspek na Bumaril sa Kapwa Magsasaka, Kusang Sumuko!

Cauayan City, Isabela – Kusang sumuko sa himpilan ng pulisya ang lalaking bumaril sa kapwa magsasaka sa Barangay Faustino, Cauayan City kamakailan.

Pasado alas nuebe kagabi na nagsadya si Legaspi sa tanggapan ng PNP Cauayan City kasama ng kanyang anak upang sumuko.

Lumabas sa pagsiyasat ng kapulisan na away sa lupa ang sanhi ng alitan ng dalawang magsasaka na dahilan upang paslangin ni Legaspi ang biktima.


Matatandaan na binaril ng suspek na si Mario Legaspi ang kapwa nito magsasaka na si Ernesto Cristobal sa naturang barangay noong Hunyo bente kwatro ngayong taon.

Samantala, ayon kay Legaspi ay hindi niya umano pinagsisihan ang kaniyang ginawang pagpatay kay Cristobal at nakuha narin ng kapulisan ang improvise na baril na ginamit sa pagbaril sa biktima.

Facebook Comments