Suspek na nakabaril sa 16-anyos na binatilyo sa rambol sa Tondo, tukoy na ng MPD

Tondo, Maynila – Tukoy na ng Manila Police District (MPD) ang suspek na nakabaril sa 16-anyos na binatilyo matapos ang nangyaring rambulan sa pagitan ng kanilang grupo sa Herboso Tondo, Maynila noong Nobyembre 11.

Ayon kay MPD Sr./Insp. Ariel Ilagan, kinilala nila ang suspek na si Allaine Castro Ferrer alyas “tomboy,” 18-anyos, dahil sa selos ang pinagmulan ng gulo dahil binastos daw ng grupo ng biktima ang girlfriend nito.

Nabatid rin na si Ferrer ang itinuturong lider ng mga kabataang nakipagrambulan at nakapatay 16-anyos.


Matatandaan sa kuha ng CCTV ng barangay 108 sa Tondo, makikita ang paglusob ng isang lalaking may dalang bato at jungle bolo at ng kaniyang grupo at maya-maya pa, makikita ang isang babaeng naka-itim na kinilalang ang suspek na si Ferrer na bumunot ng baril at limang beses nagpaputok.

Doon na tinamaan ng bala ng baril ng suspek ang 16-anyos na binatilyo.

Sa ngayong ay alam na ng mga otoridad kung saan nagtatago ang nasabing suspek sa insidente.

Facebook Comments