Lalaki, arestado matapos magnakaw ng tsokolate sa loob ng supermarket

Quezon City – Bistado ang modus ng isang 31-anyos na lalaki matapos mahuling magnakaw ng tsokolate sa loob ng supermarket sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Bobby Gunay, nakatira malapit lamang sa pinangyarihan ng insidente.

Ayon kay PO3 Oliver Bocade modus nh suspek na mag panggap na costumer tsaka isisilid sa secret pocket ang mga.napaling grocery item.


Gayunman bistado ang diskarte ng suspek dahil nagpanggap din na costumer yung ilang security guard.

Sumatutal 12 piraso ng chocolate bar na nagkakahalaga ng 1’700 pesos ang ipinuslit ni gunay pero agad syang naharang bago nakalayo sa supermarket.

Napag-alaman na burdado na ang katawan at labas pasok na sa kulungan ang suspek dahil sa kaparehong krimen.

Samantala payo ni PO3 Bocade na mas higpitan pa ang seguridad sa mga pamilihan dahil sumasabay ang mga kawatan sa maraming tao ngayon papalapit na ang Pasko at Bagong Taon.

Facebook Comments