Suspek sa brutal na pagpatay sa 16-anyos na dalagita sa Cebu, iprinisinta na

407

Naaresto na ang pangunahing suspek sa pagpatay sa junior high school student sa Lapu-Lapu City na si Christine Silawan.

Kinilala ang suspek na si Jonas Bueno na nadakip sa Davao City.

Ayon sa mga otoridad, apat na araw nang nananatili sa Purok Santiago, Barangay 74-A, Matina Crossing si Bueno.Dinakip si Bueno ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Davao at mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Davao.

Mayroong standing warrant of arrest si Bueno para sa kasong murder na ipinalabas ng Davao City RTC Branch 25 dahil naman sa pagpatay sa isang 60-anyos na ginang na si Trinidad Batucan noong January 11.

Si Batucan ay inalisan din ng balat sa mukha at wala na itong dibdib nang matagpuan.

Sinasabing miyembro ng isang kulto si Bueno.

Facebook Comments