SUSPEK SA DROGA, ARESTADO SA CABAGAN, ISABELA

CAUAYAN CITY – Naaresto ng mga operatiba ng Cabagan Police Station at PDEA Isabela ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Barangay Anao, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Reynold,” 43-anyos at residente ng naturang barangay. Nasamsam mula sa kanya ang humigit-kumulang 0.3 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱2,040, pati na rin ang ilang drug paraphernalia.

Isinagawa ang imbentaryo sa harap ng barangay officials at media representatives. Ang suspek at mga ebidensya ay nasa kustodiya ngayon ng pulisya para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.

Ayon kay PMAJ Merwin Villanueva, ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa droga. Siniguro rin niya na patuloy ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Cabagan.

Facebook Comments